(NI DANG SAMSON-GARCIA)
ISINUSULONG ni Senador Imee Marcos ang panukala na palawakin ang grounds na tatanggapin para sa legal separation.
Sa kanyang Senate Bill 1230, iginiit ni Marcos na dapat nang amyendahan ang Family Code of the Philippines.
Sinabi ng senador na sa kabila ng kawalan ng divorce law sa Pilipinas, dumarami pa rin ang nagsasama nang walang kasal.
Alinsunod sa panukala, nais ng mambabatas na isama sa grounds ang hindi pagbibigay ng financial support na kadalasang nagiging dahilan ng mental o emotional anguish, maging ng kahihiyan sa partner o maging sa bata.
Dapat din anyang isama na sa grounds ang hindi na natutumbasang pagmamahal at suporta ng isa sa mag-partner.
Batay sa panukala, sa halip na paulit-ulit na physical violence, dapat maging grounds na ng legal separation ang actual na pagbabanta.
“Further, the unrealistic obligation to observe mutual love and support between spouses shall also be severed once separation is finalized. However, the obligation to the common children is explicitly stated, to be charged against the offending spouse,” saad pa ni Marcos.
315