GUN BAN SA MGA LUGAR NA PINAGDAUSAN NG SEA GAMES HANGGANG SABADO PA

gunban

Mananatili ang pagpapatupad ng gun ban hanggang Sabado (December 14), kaya naman nagpaalala ang PNP sa mga gun owners na mananatiling suspendido ang Permits to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) sa Central Luzon, CALABARZON, Metro Manila, at lalawigan ng La Union.

Ito ang inihayag ni PNP Spokesperson Pol. B. Gen. Bernard Banac, anya ang hakbang ay bahagi ng security protocol na pinairal ng PNP sa pagdaraos ng SEA games, na opisyal nang nagtapos.

Inihayag naman ni PNP OIC PLt. Gen. Archie Francisco Gamboa, na kahit natapos na ang palaro ay hindi pa rin nagtatapos ang misyon ng PNP na pangalagaan ang seguridad ng mga dayuhang bisita hanggang sa makaalis sa bansa ang mga ito.

Samantala, inatasan naman ni Gamboa ang 27 libong pulis na bahagi ng security contingent sa SEA Games na panatilihin ang police visibility at alalayan ang mga atleta at delegado sa pagtungo sa airport mula sa kani-kanilang mga hotel.

Inalerto rin ni Gamboa ang mga pulis na i-secure ang iba pang mga dayuhang bisita na inaasahang mag eextend ng kanilang pamamalagi sa bansa para mamasyal.

Nakipag-coordinate na rin umano sa PNP ang mga protocol officers ng iba’t ibang mga dayuhang delegasyon na may mga miyembrong nais bumisita sa ibang lugar sa bansa.

PNP, MISSION ACCOMPLISHED SA PAGTATAPOS NG SEA GAMES

Inihayag ni PNP OIC PLt. Gen. Archie Francisco Gamboa na “Mission accomplished” ang PNP sa pagtatapos ng Southeast Asian Games kamakalawa ng gabi sa pamamagitan ng engrandeng closing ceremony sa New Clark City Tarlac.

Ikinararangal umano ng PNP ang kanilang naging papel sa matagumpay na “hosting” ng Pilipinas sa naturang palaro.

Sa 27 libong pulis ang dineploy ng PNP sa iba’t ibang mga lugar na pinagdausan ng palaro at maging sa mga ibang lugar na binisita ng mga atleta para sa seguridad ng mga dayuhan at lokal na panauhin.

Pinasalanatan at kinilala ni  Gamboa ang kooperasyon at supporta ng mga mamayan sa maayos na pagdaraos ng palaro.

Samantala, sinabi naman ni PNP Spokesperson P. B. Gen. Bernard Banac na walang namonitor na major untoward incident sa kabuuan ng pagdaraos ng palaro simula noong Nobyembre 30.

Katunayan ay isang “minor” na banggaan sa NLEX sa pagitan ng dalawang bus na may sakay na mga atleta ang iniulat sa PNP Command Center sa Camp Crame na nagsagawa ng  24/7 real-time monitoring ng 30th SEA Games.

181

Related posts

Leave a Comment