HAZING SA PNPA MAIIWASAN NA

albayalde

(NI AMIHAN SABILLO)

OPTIMISTIKO si National Police Chief Police General Oscar Albayalde na maiiwasan na ang hazing sa Philippine National Police Academy (PNPA) na ngayon ay nasa ilalim na ng pamamahala ng Philippine National Police (PNP) .

Ito ang inihayag ni Albayalde pagkatapos pormal na i-turn over Lunes ng umaga sa PNP ang PNPA mula sa Philippine Public Safety Colleges.

Sinabi pa ng hepe ng pulisya na ngayong May direktang control ang PNP, magiging mas mahigpit na sa mga pribilehiyo at parusa sa mga kadeteng gumagawa ng labag sa batas.

Pero, aminado si Albayalde na nakaranas siya ng hazing noong panahon niya sa PMA, ang hazing umano ay ipinagbabawal na ngayon ng batas, kaya kailangan magbago ang kultura ng mga kadete.

Paalala ng PNP Chief, ang mga kadete sa PNPA ang mga future leaders ng PNP na magpapatupad ng batas, kaya kailangang matuto silang sumunod dito.

Ang huling insidente ng hazing sa PNPA noong Oktubre 6 ng nakaraang taon ay nagresulta sa pagkakasibak ng tatlong  kadete matapos pilitin ng mga ito ang dalawang nakababatang kadete na mag-oral sex habang pinapanood nila.

 

392

Related posts

Leave a Comment