(NI NOEL ABUEL)
MULING binuhay sa Senado ang pagbawi sa height requirements sa mga aplikanteng nais pumasok sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Sa inihaing Senate Bill 312 ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, sinabi nitong ang heightism ay matagal nang pinaiiral sa mga law enforcement agencies sa bansa ngunit kapos sa kuwalipikasyon.
Ayon kay Zubiri noong 2018, inalis ng National Police Commission (Napolcom) ang height requirement para sa mga nais kumuha ng PNP entrance exam.
“The requirement was scrapped solely for examination purposes and not for police recruitment,” ayon sa senador.
Subalit hindi matanggal ng Napolcom ang height requirements sa kadahilanang nakasaad ito sa Republic Act 6975, o ang Department of Interior and Local Government Act of 1990, na nagtatag ng PNP.
Sinasabing ang height requirement ay kabilang sa listahan ng “minimum qualifications” para sa pagtanggap sa PNP Section 30 ng RA 6975 na nagsasaad na ang mga kakakakihan ay dapat na may taas na 1.62 meters o 5’4″ habang 1.57 meters o 5’2″ naman sa kababaihan.
Sa ilalim ng SBN 312, ang height requirement na masasaad sa Section 30 ng RA 6975 as amended by Republic Act 8551 ay agad na ipababawi.
“The prejudice against height is counteractive for the benefit of the nation. Those willing to serve should be given the chance to prove whether they indeed possess the necessary physical prowess, intellect, drive and potential for the said positions,” paliwanag ni Zubiri.
207