(NI BERNARD TAGUINOD)
PASADO na sa committee level sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na bulukin sa loob ng kulungan ang mga heinous crime convict lalo na kung nasentensyahan ito ng higit sa isang life imprisonment.
Sa pagdinig ng House committee on justice na pinamumunuan ni Leyte Rep. Vicente Veloso, inaprubahan ang House Bill 4553 na kanya mismong iniakda upang matiyak na magdurusa ang mga heinous crime convicts.
Sa ilalim ng nasabing anukala, inamyendahan ang paragraph 5 ng Article 70 ng Revised Penal Code na nagtatakda lang ng 40 taong pagkakakulong sa isang convict kahit higit sa isang life imprisonment ang kanyang sentensya.
“If the case of convicts of heinous crimes sentenced with nine reclusion perpetua, even after applying the threefold rule under Article 70 of the RPC, the convict will only be made to serve 40 years of imprisonment,” ani Veloso sa kanyang panukala.
Dahil dito iginiit ng mambabatas na amyendahan ang nasabing batas upang kapag nasentensyahan ng higit sa isang life imprisonment ang isang convict ay hindi dapat makalabas ang mga ito pagkatapos ng 40 taon.
205