HIGIT 30,000 LOCAL ABSENTEE VOTERS SA MAY POLLS

COMELEC12

(NI FRANCIS SORIANO)

MAHIGIT sa 30, 000 katao, kabilang na ang mga  kagawad ng mga media, civilian state workers, uniformed personnel mula sa kapulisan at military troops, ang boboto ng mas maaga bilang local absentee voters (LAV) bago pa nakatakdang botohan sa May 13 mid-term election.

Ayon sa Committee on Local Absentee Voting (CLAV) ng Commission on Elections (Comelec), tinatayang nasa 34,693 ang aplikante na kanilang natangap simula pa noong  nakaraan buwan sa buong bansa.

Inaasahang  mapoproseso na ng mga local absentee voters ang kanilang boto sa April 29, 30 at May 1 na kung saan ay magdu-duty na ang mga ito sa election day.

Inamin din ng CLAV na mayroong 5,739 applicante  na hindi nila naiproceso dahil nag file sila  beyond sa filing deadline noong March 14.

113

Related posts

Leave a Comment