KOTSE NI JANINE BINANGGA NG FIRETRUCK!

janina12

SCENES(NI ROMMEL GONZALES)

LAKING pasasalamat ni Janine Gutierrez at hindi grabe ang aksidenteng kinasangkutan niya nitong Lunes, April 1.

Bandang alas dos ng madaling araw, kasalukuyang sakay ng kanyang kotse si Janine na minamaneho ng kanyang driver nang banggain sila ng isang bumbero o fire truck!

Naganap ang aksidente sa Ortigas Avenue; papunta noon si Janine sa taping ng “Dragon Lady” na fantaseryeng pinagbibidahan ng Kapuso actress sa GMA.

Mabuti na lamang at hindi naman nasaktan o nagalusan ang aktres (na nakaupo sa passenger seat sa bandang likuran ng sasakyan) at ang kanyang driver. Hindi rin naman nasaktan ang mga sakay ng bumbero.

Nasira ang bumper, tire rod at ilan pang parte ng unahang bahagi ng sasakyan ni Janine.

Kinailangang i-tow at dalhin sa talyer ang sasakyan ni Janine dahil hindi ito puwedeng imaneho.

Dumating sa lugar ng aksidente ang ama ni Janine na si Ramon Christopher na siyang nag-asikaso ng mga bagay-bagay kaya nakadiretso pa rin si Janine sa taping kahit nanghihina at nanginginig.

# # #

Pagkagulat ang unang reaksyon ni Max Collins nang sabihin sa kanya na siya ang magbibida sa “Bihag.”

“Sabi ko, ‘Totoo ba? Are you sure?’ I think si Ms. Gigi [Santiago-Lara, GMA lady executive] ‘yung unang nagsabi sa akin. Sabi ko, ‘Sure po kayo sa akin ibibigay?’

“Hindi siya nag-sink in until nag-start kaming mag-taping. Pinaghandaan ko siya ng sobra but hindi talaga pumasok sa utak ko na, ‘Hey, ikaw ‘yung magdadala ng show. So, sobrang na-pressure ako but binigay ko talagang lahat dito.

“Especially since malayo ‘yung character sa akin, di ba? Ingglisera ako so laging sosyal ‘yung mga characters ko or kontrabida or fantaserye. Ito ‘yung pinaka-challenging and mabigat na role para sa akin because wala pa akong anak, may asawa ako but it’s a really mature role for me.”

Matitinding dramatic scenes ang mapapanood kay Max (as Jessie) sa “Bihag.”

“Intense lahat!”

Maraming pelikulang pinanood si Max na halos kapareho ng tema.

“Lahat ng atake nila, pinag-aralan ko lahat, not only movements but their emotions.

“But then kumuha lang ako ng mga emotions or mga scenes na gusto ko like parang gusto ko ‘yung attack niya rito, ganyan-ganyan. Then binuo ko ‘yung character ko. Kasi before, I used to think, basta kabaligtaran ko as a person [si Jessie].

“And then my acting coach told me, ‘No, dapat  ilapit mo siya sa  iyo, dapat maging real para sa iyo. You as a person, how would you feel?’

“So it made me learn more about myself.”

Nasa “Bihag” din sina Jason Abalos, Sophie Albert, Raphael Landicho, Neil Ryan Sese at Mark Herras. Sa direksyon ito ni Neal del Rosario.

 

81

Related posts

Leave a Comment