HILING NA TRO NI TRILLANES SA REBELLION CASE IBINASURA NG CA

trillanes

(NI TERESA TAVARES)

IBINASURA lang ng Court of Appeals (CA) ang apela ni Senator Antonio Trillanes IV na   magpalabas ng temporary restraining order ang CA para mapigilan ang pagdaraos ng pagdinig kaugnay sa kanyang kasong rebelyon, sanhi ng Manila Peninsula siege noong 2007.

Dahil dito, wala nang balakid sa pagpapatuloy ng pagdinig  ni Makati Regional Trial Court, branch 150 Judge Elmo Alameda sa kaso na nakatakda sa May 27.

Una nang iginiit ng senador na may abuse of discretion o umabuso sa kapangyarihan si Judge Alameda nung pinayagan nito na buhayin ang kanyang kaso kahit pinawalang-sala na siya sa pamamagitan ng amnesty na iginawad ng Aquino administration.

Pero sa bisa ng proclamation 572 na inisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte ay pinawalang-bisa nito ang amnesty na iginawad ni Aquino kay Trillanes dahil may mga nilabag umano si Trillanes sa mga probisyon na nakasaad sa amnesty.

Ipinaliwanag naman ni Court of Appeals Justice Apolinario Bruselas Jr. na ibinasura ang petisyon ni Trillanes dahil makaaapekto ito sa merito ng kaso na kasalukuyang dinidinig pa sa Makati RTC.

352

Related posts

Leave a Comment