ICC HINDI PATAS SA WAR ON DRUGS – PALASYO

icc12

(NI BETH JULIAN)

ITINUTURING ng Malacanang na hindi patas ang International Criminal Court (ICC) dahil sa patuloy na preliminary examination sa war on drugs ng administrasyong Duterte na inihain ng National Union of People’s Lawyers (NUPL).

Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, dahil dito, ipinakikita lamang ng ICC na sadyang pinanghihimasukan nito ang soberenya ng bansa kahit pa alam nilang nilalabag nila ang Rome Statute na siyang bumuo sa kanila.

Hinamon ni Panelo ang mga kritiko ng administrasyon na isampa sa lokal na korte ang kanilang mga reklamo upang makita ng mga ito na talagang mayroon pang hustisya sa bansa.

Gayunman, kumpiyansa si Panelo na hindi makakikita ng matitibay na ebidensiya ang mga kritiko na magpapatunay na ang administrasyon ang nasa likod ng kaliwa’t kanang patayan sa bansa dahil sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Sinabi ni Panelo na hindi maiaalis sa isip ng taumbayan na ang hakbang ng ICC na ito ay politically-motivated at naglalayong siraan hindi lamang ang administrasyon, kungdi ang Republika ng Pilipinas.

“Kahit pa ipagpilitan ng ICC na mayroon itong hurisdiksyon sa bansa, malinaw na batay sa Rome Statute ay maaari lamang imbestigahan ng ICC ang mga bansang hindi na umaandar ang judicial system na hindi naman nangyayari sa Pilipinas.

276

Related posts

Leave a Comment