MAYOR SARA KUMBINSIDONG TARGET NG VIDEO SA ANOMALYA

saraduterte12

(NI CHRISTIAN DALE)

KUMBINSIDO si Davao City Mayor Sara Duterte na siya ang tunay na puntirya ng mga videos na nag-aakusa sa mga miyembro ng pamilya Duterte sa mga iligal na gawain.

Hindi aniya ang tatay niyang si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang target ng videos dahil Pangulo na ito at ang paraan lamang para matanggal ito sa pwesto ay sa pamamagitan ng impeachment.

Bukod pa sa, ang mga taong inuugnay sa mga anomalya sa mga videos ay may koneksyon sa kanya.
Mapapansin sa unang episode ng videos na pinamagatang ang “Ang Totoong Narcolist” ay inaakusahan si Paolo na sangkot sa illegal drug trade.

Habang ang ikalawa namang episode ay tungkol sa isang Elijah Pepito na umano’y law firm partner nina Sara Duterte at Manases-Carpio.

Makikitang iniuugnay sina Honeylet Avanceña at Veronica Duterte kung saan naglulustay umano ang mga ito ng dirty money sa ibang bansa.

Binigyang-diin ni Mayor Sara na hindi nakaapekto ang videos sa kanilang pamilya at hindi nila ito napag-usapan.
Bahala na umano si Paolo magkomento sa isyu.

Samantala, hindi naman aniya karapat-dapat para sa komento ang mga video na anya’y hindi naman totoo ang nilalaman.

86

Related posts

Leave a Comment