HINILING ng mga kongresista mula sa hanay ng oposisyon sa Mataas na Hukuman na ideklarang unconstitutional ang ikatlong pagpapalawig ng martial law at suspendihin ang privilege of the writ of habeas corpus sa Mindanao.
Ang mga mambabatas na nagpetisyong muli sa korte ay sina Congressmen Edcel Lagman, Tomasito Villarin, Teddy Baguilat Jr., Edgar Erice, Garry Alejano, Christopher Belmonte, at Congresswoman Arlene “Kaka” Bag-ao.
Paliwanag ng mga mambabatas, wala namang banta sa kaligtasan ng publiko at hindi rin nagpapatuloy ang rebelyon kaya labag sa 1987 Constitution ang ikatlong pagpapalawig sa martial law sa Mindanao.
Nabigo rin umano si Pangulong Duterte batay sa kanyang liham sa Kongreso na magprisinta ng “sufficient factual basis” para sa pagpapalawig sa martial law sa Mindanao.
Giit ng mga petitioner, hindi kunektado sa rebelyon ang nagaganap na karahasan at terorismo sa nasabing rehiyon.
277