PAGBULSA SA IRA MATAGAL NANG KALAKARAN SA MINDANAO

CORRUPTION

IBINUBULSA ng mga lokal na opisyal ang bilyon-bilyong pisong pondo na mula sa internal revenue allotment (IRA) at matagal na itong kalakaran sa Mindanao na open-secret sa mga auditor ng pamahalaan.

Ito ang natuklasan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), na ayon sa Commissioner nito at Spokesman na si  Atty. Manuelito Luna, galing ang karamihan sa Mindanao ang mga lokal opisyal na nagnanakaw ng pondo.

Nais ng PACC na magkaroon ng isang special fraud audit ng Commission on Audit (COA), kasama ang PNP at AFP kung saan isasailalim ang mga opisyal na nagmamaniobra ng IRA.

Tiniyak naman ng PACC na hindi nila pababayaan ang COA upang matiyak na mapananagot sa batas ang mga magnanakaw sa kaban ng bayan.

4

Related posts

Leave a Comment