KALBARYO SA 300K KOMYUTER NG MRT NGAYONG ENERO

MRT-13

(Ni FRANCIS ATALIA)

PANIBAGONG kalbaryo na naman ang nakaambang danasin ng halos 300,000 pasahero ng MRT-3 dahil sa tatlong taong rehabilitasyon nito simula ngayong Enero.

Ayon sa pamunuan ng Metro Rail Transit, limitado lamang sa 15 tren ang bibiyahe araw-araw dahil nasa 72 light rail vehicles ng MRT-3 ang io-overhaul.

Popondohan ng  ¥38.1 billion ( P18.76 billion o $362 million) na pautang ng Japan International Coope­ration Agency o  JICA ang rehablitasyon.

Kabilang sa mga isasaayos ay ang coaches, mga sira-sira nang ele­vator at escalator sa 13 estasyon ng tren, riles, power supply, signalling system, public address system at ang CCTV sa mga estasyon.

“Tiis muna. Matapos ang rehabilitasyon ay malaking ginhawa naman ang mararanasan ng ating mga mananakay,” anang kompanya.

Itataon namang holiday ang suspensiyon ng operasyon kung kinakailangan upang makaiwas sa abala sa nakararaming pasahero.

Tiniyak naman ng pamunuan ng MRT-3 na hindi sila magtataas ng pasahe matapos ang rehabilitasyon.

8

Related posts

Leave a Comment