(NI NOEL ABUEL)
NALALANGAY sa alanganin na mabigyan ng prangkisa ang ikatlong telco player dahil sa kabiguan ng mga opisyales nito na magpakita ng matibay na ebidensya ng kakayanin nitong makipagsabayan sa dalawang higanteng telecommunication company.
Ito ay matapos aminin ni Senador Grace Poe, chair ng Senate Committee on Public Services na nahaharap ang mga ito sa malaking dilemma kaugnay ikatlong telco player.
Sinabi ni Poe na dahil sa isyu ng prangkisa sa consortium ng Mislatel, Udenna Corporation, Chelsea Holdings at China Telecoms ay nalalagay ngayon sa alanganin ang tuluyang pag-arangkada ng pangatlong telecommunications company.
Sa nasabing pagdinig, kinuwestyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang mga paglabag ng prangkisa ng Mislatel sa regulasyon ng National Telecommunications Commission (NTC).
Sa pag-uusisa ni Drilon, napaamin nito si Nicanor Escalante, pangulo at chief executive officer ng Mislatel na hindi pa rin pag-o-operate ang Mislatel simula nang makuha nito ang prangkisa noong 1998 at ang kawalan ng congressional approval sa paglilipat ng kontrol ng kumpanya.
Nairita pa si Drilon nang ngitian lamang ito ni Escalante nang tanungin hinggil sa kanilang prangkisa.
“Huwag po kayong ngingiti-ngiti lang diyan. Seryosong usapin ito. Nakakainsulto po kayo!” pahayag ni Drilon.
Binigyan-diin ni Drilon na dahil sa mga paglabag maituturing nang revoked ang prangkisa ng Mislatel.
Sinabi naman si Poe na may kakulangan sa batas sa usapin kung sino nag dapat mag-revoke ng mga inisyung prangkisa ng Kongreso.
Dahil dito, dapat aniyang talakayin ng mga miyembro ng komite ay kung palulusutin ang consortium ni Dennis Uy para sa interes ng publiko na sabik na bagong telco o simulang muli ang bidding para sa 3rd telco.
“Dahil doon sa kakulangan na ‘yun, nakabinbin ngayon dito. Pag hindi namin ginawa ng Tama dito pwedeng pumunta sa korte ang iba,” diin ni Poe.
261