BUMOTO SA PLEBISITO UMABOT SA 85% – COMELEC

BOLD

(NI MITZI YU)

IPINAGMALAKI ng Commission on Elections (Comelec) na umabot sa 85% at lagpas pa sa inaasahan nilang 75% lang ang mga bumoto sa plebisito para sa ratikipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa  ilang bahagi ng Mindanao noong Lunes.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na natutuwa sila dahil isa itong patunay na mas maraming kapatid na Muslim ang mulat umano sa kanilang kalagayan.

Idinaos ang unang yugto ng plebisito noong Enero 21 sa ilang bahagi ng Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM), Isabela City sa Basilan at Cotobato City.

Susunod naman na sasalang sa plebisito ang mga taga-Lanao del Norte at anim na munisipalidad sa North Cotobato.

Nauna nang inihayag ng komisyon na maaring magtagal ng apat hanggang limang araw para malaman ang resulta ng botohan.

Kapag nanalo ang Yes vote, papalitan ng bubuing Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang ARMM sa Mindanao

Samantala, nanawagan si Jimenez sa mga kritikong taga-Mindanao na magsampa na lang ng kanilang petisyon laban sa magiging resulta ng idinaos na botohan sa halip na akusahan ang poll body na wala umanong kredibilidad at hindi kapani-paniwala sa ginanap na plebisito.

170

Related posts

Leave a Comment