INTER-PARLIAMENTARY COURTESY WASAK SA ICC ISSUE

kongreso12

MISTULANG wasak na ang inter-parliamentary courtesy sa pagitan ng dalawang kapulungan ng Kongreso dahil sa banggaan ng ilang kongresista laban kay Sen. Ronald “Bato’ dela Rosa kaugnay ng usapin sa International Criminal Court (ICC) investigation sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.

Dahil dito, pinaalalahanan ng isang lider ng Kamara ang bagitong Senador na igalang ang inter-parliamentary courtesy lalo na’t inakusahan ni Dela Rosa na ginagamit umano ang ICC cooperation laban sa mga Duterte.

“We respect the opinion of Sen. Bato dela Rosa, but we ask for parliamentary courtesy from our esteemed colleague in the Senate,” ani Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales dahil tulad sa Senado, inaaksyunan umano ng mataas na kapulungan ang anomang resolusyon ng mga senador anoman ang political affiliation ng mga ito.

Umiinit ang hidwaan sa pagitan ng Makabayan bloc congressmen at ni Dela Rosa matapos umanong bantaan ng senador ang kanilang miyembro na si Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel na inakusahan nitong recruiter para sa Communist Party of the Philippines (CCP).

Hindi nagustuhan ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang banta ni Dela Rosa laban kay Manuel kung saan sinabi umano ng senador na: Tingnan natin ngayon ikaw ang iimbestigahan ko. I will do all my parliamentary power to pin you down, tingnan natin ikaw pala talaga ay miyembro ng CCP which is the Partido of the NPA who’s trying to destroy this government. Gamoon pala talaga ang tao na ito”.

“It is completely deplorable how Senator Bato abused his position, and even the Senate’s resources, just to conduct a clown show to evade accountability and attack the victims of the war on drugs,” reaksyon ni Brosas.

“Hindi ito asal senador. Pag-aaksaya ito ng rekurso ng Senado at pag-abuso sa pondo ng bayan. Hindi dapat gamitin ng sinomang opisyal ang kanyang posisyon sa gobyerno para umalpas sa kanyang pananagutan at atakihin ang mga kabataan at kababayan nating nagsusulong ng hustisya,” ayon naman sa grupo ni Manuel.

Sinabi ng grupo na 2019 ay tinatarget na umano ni Dela Rosa ang Kabataan at pilit na inuugnay sa komunistang grupo subalit wala itong mailatag na matibay na ebidensya at muli niyang pinag-initan si Manuel dahil isa ito sa mga nasa likod ng mga resolusyon na humihiling sa gobyernong Marcos Jr., na makipagtulungan sa ICC para mabigyan ng katarungan ang mga pinatay sa war on drugs.

(BERNARD TAGUINOD)

104

Related posts

Leave a Comment