(NI JESSE KABEL)
KINUMPIRMA ni newly confirmed Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang isang US report na ang Jolo cathedral bomber na si ASG leader Hatib Sawadjaan ay tumatayo na ngayong Emir ng ISIS-Philippines .
Ayon kay Secretary Año, si Sawadjaan ang kasalukuyang kinikilalang Isis Emir sa Mindanao matapos ang Marawi siege kapalit ng napaslang na si ASG leader at itinalagang ISIS emir sa Southeast Asia na si Esnilon Hapilon.
Subalit. si Sawadjaan ay hindi umano kasing radikal kung ikukumpara kay Hapilon na nanumpa sa ISIS. Si Sawadjaan ay hindi nanumpa subalit nang napaslang ng military si Hapilon ay naghanap ng kahalili ang ISIS sa bahaging ito ng Asya.
Katunayan, ayon kay Año , apat ang pomupusturang nagnanais na hiranging Emir sa itinatatag na caliphate ng ISIS sa Mindanao dahil sa dami ng faction.
“Apat na malalaking grupo na yung naiwan, yung grupo nung Toraype, yung grupo nila Abu Dar dyan sa Lanao, yung grupo ni Furuji Indama dito sa Basilan at saka yung grupo ni Sawadjaan.”
“So ngayon ang na-recognize, dati kasi si Abu Dar yung candidate e, si Sawadjaan na ang pinaka-overall, ISIS ano lang yan, ISIS Mindanao ang tini-terminology nila pero nung after Marawi crisis nabuwag yun,.”
Ayon sa isang military officer posibleng mag-away-away pa ang mga iyan para lang makaupo bilang lider ng grupo.
417