INIHAYAG ng Department of Health (DOH) ang mga karagdagang rounds ng Sabayang Patak Kontra Polio (SPKP) sa lahat ng rehiyon sa Mindanao at National Capital Region, kung saan tatagal ang kampanya hanggang Abril 2020 sa layong makamit ang 95% coverage sa lahat ng identified areas para matiyak na walang hindi mababakunahang bata.
Para sa NCR, dalawang karagdagang rounds ang nakatakda sa Enero 27 hanggang Pebrero 7, at Marso 9 hanggang 20.
Para sa Mindanao, isang “limited response round” ang idaraos sa Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Zamboanga City, Isabela City at Lambayong, Sultan Kudarat mula Enero 6 hanggang 12, 2020; at dalawang karagdagang rounds para sa lahat ng rehiyon sa Mindanao ang nakatakda sa Pebrero 17 hanggang Marso 1 at Marso 23 hanggang April 4.
“We need the participation of everybody to successfully end this outbreak – other government agencies, the local government units, partners, our local health workers and bakunators,” giit ni Health Secretary Francisco Duque III.
Ang karagdagang rounds ng SPKP ay itinakda upang tugunan ang mga napaulat na positibong kaso ng Acute Flaccid Paralysis Surveillance sa Mindanao, at positive environmental samples sa Manila. (ALAIN AJERO)
135