KANDIDATO PINAGSUSUMITE NG SOCE SA COMELEC

comelec james12

(NI HARVEY PEREZ)

PINAALALAHANAN nitong Miyerkoles ng  Commission on  Elections (Comelec) ang lahat ng kumandidato sa national at local elections, kaugnay sa  pagsusumite ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez, hindi lamang ang mga nanalo ang dapat magsumite ng SOCE kundi maging ang mga natalong kandidato.

Base sa  resolusyon ng Comelec, dapat na maisumite ang SOCE sa kanilang tanggapan hanggang sa Hunyo 12, o 30-araw matapos ang halalan.

Sa  SOCE ay dapat na idetalye ng mga kandidato ang tinanggap nilang mga donasyon at kontribusyon, gayundin ang mga ginastos nila sa pangangampanya para sa eleksyon.

Nilinaw ni Jimenez na ang mga nanalong kandidato na mabibigong magsumite ng SOCE ay hindi papayagang makaupo sa puwesto, at papatawan pa ng kaukulang multa.

Hindi umano magbibigay ng  extension ang Comelec para sa pagsusumite ng SOCE.

167

Related posts

Leave a Comment