PINAPAYUHAN ng Department of Health (DoH) ang publiko na ilutong mabuti ang karneng kanilang kakainin upang makaiwas sakit, lalo na ngayong nakumpirmang may mga baboy na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF).
Matapos kumpirmahin ng Department of Agriculture (DA) na nagpositibo sa ASF ang ilang baboy sa ilang parte ng bansa, wala naman umano itong masamang epekto sa mga tao ayon sa DOH.
“We want to allay the fears of the public by saying that, as long as pork is bought from reliable sources and it is cooked thoroughly, pork is safe to eat,” ani Health Secretary Francisco Duque III.
Ayon naman sa World Organization for Animal Health, ang ASF ay isang malala at nakahahawang sakit sa mga wild at domestic na baboy.
Sabi naman ng DoH, nahahawa ang mga baboy ng ASF, pag sila ay nakakain ng luto o hindi luto, o iba pang produktong karne na kontaminado ng ganitong sakit.
“Because ASF can spread easily, hog raisers are advised not to feed raw or undercooked pork products to theig pigs,” ayon din sa statement ng DoH.
Pinapayuhan din ng ahensya ang mga may-ari ng baboy, na imonitor nang mabuti ang kanilang mga alagang baboy. Kung mapapansin nila itong may sakit ay ilayo ito sa ibang baboy at komonsulta agad sa mga betirenaryo.
Sa ngayon ay wala pa umanong bakuna, o anumang gamot para sa ASF, ayon pa sa DoH.
486