KASO NG TIGDAS BUMABA NA

tigdas12

(NI DAHLIA S. ANIN)

SA pinakabagong tala ng Department of Health (DoH), humupa na umano ang kaso ng tigdas sa buong bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, may ilang rehiyon sa bansa na bumaba na ang bilang ng apektado ng tigdas at mayroon ding wala nang bagong kasong naitala ngunit hindi umano ibig sabihin ay wala na ang outbreak.

Nauna nang inihayag ng DoH na nakuha na nila ang target na 3.8 milyong bata na may edad na anim na buwan hanggang 59 buwan na mabakunahan bago matapos ang buwan ng Marso.

Hindi pa umano nila maaring sabihin na wala nang outbreak upang mahikayat ang mga magulang na patuloy pa ding pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa nakakamatay na tigdas.

Maide-deklara lamang na under control ang sitwasyon sa outbreak kung wala nang maitatalang bagong kaso nito sa loob ng anim na linggo.

Matatandaang buwan ng Pebrero nang ideklara ng ahensya ang simula ng outbreak sa buong Metro Manila at Luzon.

 

103

Related posts

Leave a Comment