(NI BETH JULIAN)
PINAG-AARALAN na ng Malacanang ang kasong maaaring isampa laban sa mga Tsino na bumangga sa mga Pinoy fishermen sa Recto Bank.
Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, reckless imprudence resulting in damage to property ang posibleng isampang kaso laban sa mga Chinese.
Pero batay sa UNCLOS , kailangang manggagaling sa China ang ipapataw na parusa sa kanilang mamamayan.
Gayunman, iginiit ni Panelo na mayroon nang diplomatic protest laban sa China dahil sa pag- abandona ng kanilang mga tauhan sa 22 mangingisdang Filipino na sakay ng lumubog na fishing boat na F/B Gem-Ver 1 matapos mabangga.
Samantala, hahayaan naman ng pamahalaan ang mga pribadong sektor na nais magpaunlak ng tulong sa mga mangingisdang nabiktima ng hit-and-run sa Recto Bank noong Hunyo 9.
Ito naman ang inihayag ni Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles na nagsabing welcome ang anumang tulong para sa 22 mangingisdang Pinoy.
Gayundin ay tiniyak ni Nograles na hindi nagpapabaya at ginagawa ng pamahalaan para maibigay ang mga pangangailangan ng mga nabanggit na mangingisda.
Una nang namahagi ng mga bagong bangka, pera at mga groceries ang pamahalaan sa mga 22 Pinoy fishermen na pinangunahan ni Agriculture Secretary Manny Pinol noong Miyerkoles sa Occidental Mindoro.
125