NANATILING maayos ang relasyon ni Claudine Barretto sa kanyang mga magulang kahit close ito sa kanyang kapatid na si Gretchen Barretto.
Kamakailan lang, nag-post si Claudine ng larawan ng kanyang ama kasama ang adopted daughter niyang bunso. Sa caption, binati ni Claudine ang daddy Miguel niya ng “Happy Father’s Day” at sinabing nagpapasalamat ito sa Diyos sa pagkakaroon niya ng ama gaya nito.
Sey pa ng aktres, “I luv u so so much.”
Kahit hindi pa nagkaka-ayos si Gretchen at ang kanyang mga magulang, hindi damay si Claudine sa galit ng parents niya sa kanyang ate.
Sa mga nakaraang posts ni Claudine, makikita ang larawan nito kasama ang ina at ama. Makikitang hinaharot ni Claudine ang ina at binabasahan pa niya ito ng libro.
293