KOMPORTABLENG BUHAY NG PINOY HANGAD SA NALALABING TERMINO

duterte88

(NI BETHJULIAN)

SA nalalabing tatlong taon sa kanyang termino, wala umanong ibang hiling at pangako si Pangulong Rodrigo Duterte kundi ang mabigyan ng maganda at komportableng buhay ang bawat Filipino.

Kasabay ito ng pag-atas ni  Duterte, sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang Local Governnent Units, sa pamamagitan ng DILG, na magpatupad ng mga hakbang para ibayong mabigyan ng proteksyon ang kalikasan o kapaligiran saan inihalimbawa ng Pangulo ang nangyari sa Boracay.

Ipinangangako naman ng Pangulo sa kanyang Build Build Build Project  na walang mangyayaring corruption sa mga infrastructure projects.

Ito ay ipinangako umano ng Pangulo sa harap ng puntod ng kanyang ama.

Para naman sa BARMM, hinihiniling ng Pangulo na pabilisin na ang mga proyekto para  mapakinabangan na ng mga Moro people ang mga dapat na ginagawa na kanilang matamasa.

Hiniling din ng Pangulo sa Kongreso na i-postpone na muna ang Barangay Elections na naka schedule ng May 2020 at gawing October 2022 na lamang.

Ayon sa Pangulo, ito ay para mabigyan ng sapat na panahon ang mga opisyal ng lahat  ng lokal na pamahalaan na matapos ang mga proyekto maging ng national government.

Sa isyu naman ng West Philippine Sea, sinabi nito na umaaksyon ang pamahalan sa kabila ng mga pagbatikos ng mga kritiko para sa soberenya ng bansa bunsod ng isyu.

Sa katunayan, ayon sa Pangulo, pinaiiral lamang niya ay ang mapayapang paraan dahil umano hindi siya handa humarap kung anuman ang maaaring mangyari kapag naging mainit ang samahan o giyera dahil posibleng maging  epekto nito ay maraming mawawasak na pamilya o mamatay.

Sinabi ng Pangulo na marahil ay sa tamang panahon ay mareresolba nang payapa ang problema at maaangkin ang WPS.

Iginiit din ng Pangulo na tunay na sa mga Fipino ang WPS pero kailangan lamang maghintay sa tamang panahon.

Sa isyu naman ng corruption, kung mayroon man sa Executive Department, sinabi nito lahat naman ng law enforcement agency ay malaya na makapagsagawa ng imbestigasyon kung may nababalitaang anumang katiwalian sa Office of the President.

Hirit din ng Pangulo sa Kongreso na maipasa ang Trabaho bill at ang excise tax at ang TRAIN Law at pagpasa ng salary standardization law kung saan bibigyan ng panibagong pagtaas ng sweldo ang mga manggagawang gobyerno kabilang na ang mga guro at mga nurse.

Napapanahon na rin, ayon sa Pangulo, na lumikha ng Department of Water and Regulatory Commission.

Kinakailangan din na magkaroon ng improvement sa modernization ng services program para maiwasan ang pagka pahiya sa mga services ng agency gaya ng Bureau of Fire Protection at mga hotline services na agad-agad ay dapat may responde na nanggagaling sa local at national government.

Hiniling din ng Pangulo ang National Land Use Act na maipasa agad.

Inatasan din nito si DILG Secretary Ano na dapat ay tatlong araw lamang ang itaatagal ng pag-iisyu ng permits  at lisensya at kung hindi sumunod ay suspendihin agad.

Binibigyan ng Pangulo ng hanggang September 2019 ang DILG at LGUs na lisinin ang mga kalsada.

Maging ang full utilization ng Cocolevy fund ay iniutos ng Pangulo pero hindi na naman matukoy kung sinu sino ang dapat makinabang kaya suhestyon ay i-bangko na lamang.

Binigyan din ng Pangulo ng hanggang huling linggo ng Hulyo ang Lanbank dahil sa pagiging commercialize at dapat ibalik sa dating mandato na tulungan ang mga magsasaka.

Pinagrereport ng Pangulo ang mga opisyal nng Landbank at ilatag ang mga develolment plan.

Ang huli ay ang pagbabalik sa mandatory ROTC para maging handa  sa anumang giyera at upang may makatuwang ang mga pulis at sundalo.

Hirit din ng Pangulo na maipasa ang Defense bill.

Hangad ng Pangulo na sa tatlong taong natitirang panunungkulan ay maibigay niya ang komportableng buhay sa bawat Filipino.

Umabot ng isang oras at 33 minuto ang itinagal ng talumpati ni Duterte sa kanyang ika apat na SONA kahapon ng hapon.

Dapat ay aabutin lamang ng 45 hanggang 50 minuto ang talumpati ng Pangulo pero dahil sa maraming adlib niya ay tumagal ito.

Nakakuha naman ng 27 palakpak ang Pangulo habang ang kanyang mga binitiwang ‘mura’ na sinasabi namang walang ibang intensyon  kungdi ay expressions lamang  niya ay tatlo.

 

336

Related posts

Leave a Comment