KRISIS SA BIGAS TAPOS NA – SEC. PIÑOL

(Ni ABBY MENDOZA)

Pagpasok ng 2019 ay wala nang mararanasang krisis sa bigas dahil mayroon nang sapat na supply.

Ito ang inihayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol matapos ang matagumpay na bidding sa 543,000 metric tons ng bigas na isinagawa ng National Food Authority (NFA).

Ayon kay Piñol ang in-import na bigas ay gagawin sa pamamagitan ng “government to private companies scheme” at ang nanalong mga bidders ay kinabibilangan ng Capital Crops Co. Ltd ng Thailand; Shwe Wah Yaung Agriculture Production Co ng Myanmar; Olam International Ltd ng Singapore; Asia Golden Rice Co Ltd ng Thailand at Tan Long Group Joint Stock Co ng Vietnam.

Nabatid na ang mga nanalong bidder ay nagsumite ng mababang bids sa presyong $470 per metric tons.

Ani Pinol sa susunud na Linggo ay karagdagang 203,000 metric tons pa ang isasailalim sa bidding ng NFA at gagawin ito sa pamamagitan ng “government to government import scheme”.

Sa Disyembre magsisimulang dumating sa bansa ang in-import na bigas hanggang sa Enero na ibebenta pa rin sa halagang P27 at P32 kada kilo.

Tiniyak ng Kalihim na sa pagdating ng in-import na bigas ay makasisiguro na ang sapat na supply sa merkado gayundin ay magakaroon ng buffer stock.

121

Related posts

Leave a Comment