KRITIKO SA IBANG BANSA INIMBITAHAN SA PINAS

pco

(NI LILIBETH JULIAN)

HINAMON ni PCOO Secretary Martin Andanar ang mga kritiko ng administrasyon mula sa international community na bumisita sa Pilipinas para personal na saksihan ang tunay na kalagayan ng kalayaan sa pamamahayag sa bansa.

Ito ang tugon ni Andanar sa pagbatikos ng ilang grupo at personalidad mula sa international community kaugnay sa kaso ng pag aresto ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Rappler CEO Maria Ressa dahil sa kasong cyberlibel.

Sinabi ni Andanar na mas mabuting personal  na saksihan ng mga kritiko kung paano ang pagtrato sa mga mamamahayag sa bansa at ang demokrasyang kanilang tinatamasa.

Gayunman, sinabi ni Andanar na nauunawaan nito kung paano agad nakarating ang balita ng pag aresto kay Ressa sa New York Times.

Tinukoy ni Andanar ang malawak na impluwensya ni Ressa sa internaional community kasunod ng pagtayo nito bilang anchor ng CNN.

Kaugnay nito, inihayag ng Malacanang na ang abogado ni Ressa ang dapat na sisihin kung bakit nadetine ito sa NBI.

Sinabi ng Malacanang na walang dapat na sisihin kungdi ang abogado ni Ressa kaya hindi dapat isisi sa iba ang nangyari.

Ikinatwiran ng abogado ni Ressa na wala silang information sheet kaya hindi agad ito nakapag-piyansa kaugnay sa kasong kinakaharap nito.

Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo,  malinaw na pagpapakita ng incompetency ang aksyon ng abogado dahil bilang counsel ay dapat na matiyak na makakakuha sila ng mga dokumento para makaiwas sa kompriso ang kalayaan ng kanilang kliyente.

139

Related posts

Leave a Comment