LACSON KUMAMBIYO SA HAMON SA PANGULO

(Ni NOEL ABUEL)

Kumambiyo si Senador Panfilo “Ping” Lacson sa pagsasabing wala itong balak na pangunahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang magiging aksyon sa 2019 national budget.

Inamin ni Lacson na ang kanyang naging pahayag na mistulang paghamon sa Pangulo na gamitin ang kanyang line item veto power upang burahin ang mga pork insertions sa budget ay bunga ng kanyang frustration at desperation.

“Call it passion, exasperation, frustration, even desperation. I’ll do whaterve it takes to ensure that the Filipino taxpayers’ hard earned money will not flow into the deep pockets of the corrupt few,” paliwanag ni Lacson.

Sinegundahan naman ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang panawagan ni Lacson sa Punong Ehekutibo.

“Kung nararapat, at kung talagang maliwanag na pork, bakit hindi? Dapat i-veto,” saad ni Sotto.

Inihayag naman ni Sotto na posibleng magkaroon din sila ng sesyon hanggang Biyernes para sa proposed 2019 National Budget.

235

Related posts

Leave a Comment