LAND CONVERSION SINISI SA KAKAPUSAN NG PAGKAIN

(NI NOEL ABUEL)

SINISI ni Senador Francis Pangilinan pagko-convert sa lupang sakahan kung kaya’t nalalagay sa alanganin ang food security ng bansa.

Ayon kay Pangilinan, panahon nang matigil ang pagko-convert ng mga agricultural lands para gawing residential, commercial, industrial at iba pa na malayo sa dapat na paggamitan nito.

Inihalimbawa pa nito ang nangyayari sa Luzon na pinakatinamaan ng land conversion na nasa 80 porsiyento habang ang Visayas ay 7.8 porsiyento at Mindanao ay 11.6 porsiyento.

“Kritikal ito para matiyak ang food security ng ating bansa. Madalas, prime agricultural lands pa ang pinupuntiryang i-convert,” ani Pangilinan.

Paliwanag pa nito na 100,000 ektarya ng agricultural lands ang hindi nagagamit para mag-produce ng pagkain simula pa noong 1998.

“Since agrarian reform was implemented in 1988 up to 2016, almost 100,000 hectares of agricultural land (97,592.5 hectares) — or the combined size of Metro Manila and Cebu City — have not produced food,” dagdag pa ni Pangilinan na inihain ang Senate Bill 256, o ang Agricultural Land Conversion Ban Act.

“Kailangan natin ang mga magsasaka para kumain ang bayan. Kailangan ng mga magsasaka na may lupang sinasaka para pakainin ang bayan,” sabi ng senador

 

 

268

Related posts

Leave a Comment