(NI NOEL ABUEL) SINISI ni Senador Francis Pangilinan pagko-convert sa lupang sakahan kung kaya’t nalalagay sa alanganin ang food security ng bansa. Ayon kay Pangilinan, panahon nang matigil ang pagko-convert ng mga agricultural lands para gawing residential, commercial, industrial at iba pa na malayo sa dapat na paggamitan nito. Inihalimbawa pa nito ang nangyayari sa Luzon na pinakatinamaan ng land conversion na nasa 80 porsiyento habang ang Visayas ay 7.8 porsiyento at Mindanao ay 11.6 porsiyento. “Kritikal ito para matiyak ang food security ng ating bansa. Madalas, prime agricultural lands…
Read More