Leah Cruz isinakripisyo, ayon kay Tulfo KAPATID NI FL LIZA PINAGTATAKPAN SA SMUGGLING PROBE?

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

SA kabila ng pagsisiwalat na nag-uugnay kay First Lady Liza Araneta Marcos at kapatid niyang si Martin Araneta, hindi pa rin kasama sa mga iniimbestigahan ng Kamara ang pangalan ng dalawang pangunahing personalidad kaugnay ng malawakang onion smuggling sa bansa.

Paniwala ng beteranong peryodistang si Ramon Tulfo, sadyang ‘isinakripisyo’ ng Kamara ang pipitsuging smuggler para pagtakpan ang nakababatang kapatid ng Unang Ginang.

“They found their scapegoat for the onion mess in Leah Cruz. Martin Araneta will be off the hook,” ani Tulfo sa kanyang Facebook post.

Paglilinaw pa niya, batid niyang dating nasangkot ang tinaguriang “Onion Queen” na si Leah Cruz sa agri-smuggling – pero hindi na aniya ngayon.

“Kilala ko si Leah Cruz. Kung nag-smuggle man siya noon ng mga agri products matagal na nangyari yun. Nag-aangkat ng mga gulay si Leah sa mga panahon na mga kakulangan o pangangailangan sa mga ito. Siya ay legal importer at may permit sa Department of Agriculture.”

Sa pagdinig ng Kamara kay Cruz noong Miyerkoles, mariin niyang itinanggi ang paratang. Gayunpaman, aminado si Cruz na minsan na siyang sumalang noong 2014 sa isang House inquiry kaugnay ng parehong alegasyon pero ibang produktong agrikultura.

“Correct ko lang po kayo, your honor — not onion queen ang sinasabi. Garlic po ‘yan,” ani Cruz kasabay ng pahayag ng pakikipagtulungan sa Kamara sa hangaring linisin ang pangalan niyang sadyang kinaladkad para pagtakpan ang iba.

“Yun nga po ang nakakalungkot kasi bakit tatawagin nila akong Mrs. Sibuyas? Or kahit anong paratang tungkol sa Mrs. Sibuyas,” tugon ni Cruz sa paratang ni Zambales 1st District Rep. Jeffrey Khonghun.

Nang direktang tanungin kung sino ang nasa likod ng onion smuggling na binibintang sa kanya, nanatili namang tikom ang bibig ni Cruz na nagpahayag ng takot mabweltahan.

Gayunpaman, inamin niyang sadyang may sumasabotahe sa suplay ng sibuyas.

“Hindi po naging makatarungan itong pagkakaroon ng napakalaking problema, na sinabotahe magmula buwan ng Agosto hanggang buwan ng Disyembre. Talaga pong sabihin na natin — sabotahe ang ginawa nila at sinadya po ito,” wika ni Cruz.

Para naman sa tanyag na vlogger sa likod ng pangalang “Views Action Destiny,” minor player lang si Cruz na aniya’y sumasalo ng sisi para pagtakpan ang Unang Ginang at kapatid na si Martin Araneta.

“Matapos kumalat ang balita tungkol sa koneksyon ni FL Liza Marcos sa malaking smuggling issue, biglang may lumitaw na isang babae na tila sumasalo ng sisi upang pagtakpan ang issue,” ani VAD.

Unang lumutang ang pangalan ni First Lady Liza Araneta-Marcos at nakababata niyang kapatid sa pag-amin ni Tulfo na tinawagan niya ang kabiyak ng Pangulo para payuhan hinggil sa kinasasangkutan ng kumpanya ng batang Araneta at kasosyong si Michael Ma.

Ayon pa kay VAD, ang Unang Ginang ang “onion queen” at hindi si Cruz na di umano’y “fall [guy]” lang – “Did the supporters of FL otherwise known as the sibuyas queen found a fall girl for the first lady? FL a smuggling queen.”

“Ang Senate, Congress, BOC hindi nagbigay ng pahayag, pagkumpirma man o pagtanggi na partner si Martin Araneta… ang intensyon ng Kongreso sa pagpapalutang kay Mrs. Sibuyas ay para alisin ang atensyon kay Martin Araneta para hindi rin makaladkad ang pangalan ni FL,” ayon pa sa vlogger.

396

Related posts

Leave a Comment