(NI NOEL ABUEL)
IPINATITIYAK ni Senador Sonny Angara sa mga local government units (LGUs) sa bansa na nagagamit ng tama ang kanilang local disaster funds para matiyak na makaaabot ito sa mga nangangailangan sa panahon ng kalamidad.
Ito ang hiling ni Angara sa mga alkalde sa buong bansa na agad na matulungan ang nangangailangan.
“It is always better to be prepared than hope for the best and deal with the consequences after disaster strikes. LGUs should not hesitate to spend their calamity funds for disaster preparedness,” sabi ng senador.
Tugon ito ng senador sa nangyaring magkasunod na lindol sa Luzon at Visayas sa loob lamang ng dalawang araw.
“Disaster preparedness plays an important role in saving lives and livelihoods, particularly when integrated into an overall disaster risk reduction approach,” ayon pa kay Angara.
Paliwanag pa nito na upang maiwasan ang casualties at damages sa panahon ng kalamidad at dapat na mag-implementa ang mga LGUs ng precautionary measures.
Naayon umano ito sa probisyon ng Republic Act 10121 o ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 kung saan dapat na maglaan ng limang porsiyento ang mga LGUs sa kanilang koleksyon.
127