MAYAYAMAN SA MARAWI PINATUTULONG SA REHAB

marawi12

(NI CHRISTIAN DALE)

HINILING ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mayayayamang negosyante ang rehabilitasyon ng Marawi City na binomba at sinira ng giyera upang magtuluy-tuloy ang pagbangon ng siyudad.

Naglaan ang pamahalaan ng P67.99 billion para sa Marawi rehab na nagsimula noong October 2018.
Inamin din ni Duterte na hindi kaya ng gobyerno na ibalik ang dating Marawi City kaya’t hinimok niya ang mga may kayang mamamayan na makiisa sa pagbangon.

Kaya nga, ipauubaya na niya ang tulong sa mga mayayamang negosyante sa Marawi City na gastusan ang rehabilitasyon ng lungsod na nasira dahil sa giyera sa Maute Group.

“I don’t think that I should be spending for their buildings…Every Maranao, there is a businessman. Those who are into shabu are included. They have money. The debate there is whether I would be also building the same kind that they lost. I don’t think I am ready for that” ayon kay Pangulong Duterte.

Pinuri naman ng Chief Executive ang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) para sa mga pabahay sa Marawi City.

Aniya, “man-made” calamity ang Marawi siege na aniya’y nakatakdang mangyari dahil sa ginagawa ng mga tao roon.

98

Related posts

Leave a Comment