(NI BERNARD TAGUINOD)
IMINUNGKAHI ng isang mambabatas sa Kamara na bigyan ng full at lifetime educational scholarship ang mga Pinoy athletes na nagkamedalya ngayong Southeast Asian Games.
Ayon kay Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo, hindi matatawaran ang sakripisyo ng mga atletang ito para bigyan ng karangalan ang bansa kaya dapat aniyang tanawin na malaking utang na loob ito.
“Free education is a fitting reward to our athletes who have demonstrated dedication, discipline and perseverance to bring honor to our country,” ayon sa mambabatas.
Sinabi ng mambabatas na karamihan sa mga atleta ay mula sa mahihirap na pamilya at walang kakayahang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral kaya nararapat lamang na pagkaloob ang mga ito ng life time at full scholarship na may allowance kapag nag-aaral.
“By giving them and their immediate families scholarships and allowances, we recognize their valuable contribution to the country and encourage other Filipino athletes to do the same,” ani Castelo.
Habang isiNulat ito ay nakakuha na ang mga Pinoy athletes ng 103 medalya na kinabibilangan ng 51 gold, 33 silver at 19 bronze.
Inaasahang may may pabuya ang mga atleta sa gobyerno subalit nais ni Castelo na bigyan pa rin ang mga ito ng full scholarship na puwede nilang gamitin kahit matanda na sila.
153