LOCAL ABSENTEE VOTING SIMULA NA NGAYON

lav12

(NI HARVEY PEREZ)

MAGSISIMULA na sa Lunes, Abril 29, ang local absentee voting para sa lahat ng botante na naka-duty sa Mayo 13 national and local elections.

Nabatid na ang LAV ay alinsunod sa Comelec Resolution No. 10443, kung saan ang maaari lang makilahok ay mga  sundalo at pulis, maging mga kagawad ng media na nagparehistro para makapag-avail ng  LAV.

Gayundin, sinabi ni  Comelec spokesperson James Jimenez, na nakahanda na ang mga balotang gagamitin sa LAV at ibibiyahe na lamang.

Sa ilalim ng LAV, mga senador at party-list lang ang maaring iboto.

Sinabi ni Teofisto Elnas Jr., project director para sa 2019 elections, hindi kasama sa maaaring iboto ang para sa mga lokal na posisyon.

Matatandaan na nagsimula naman noong Abril 13 ang  overseas absentee voting (OAV).

 

130

Related posts

Leave a Comment