INILAGAY ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid sa yellow alert ngayong Biyernes.
Sa advisory, sinabi ng NGC na ang Luzon grid ay nasa yellow alert mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.
Ang available capacity umano ay nasa 11,544 megawatts, habang ang peak demand ay nasa 10,632 megawatts, ayon pa sa NGCP.
“Details on the cause to be announced by the Department of Energy (DOE) later in the day,” ayon pa sa advisory.
Nauna nang itinaas sa yellow at red alerts ang Luzon grid dahil sa patuloy na pagnipis ng supply ng kuryente.
Ayon sa Department of Energy (DOE), ang yellow alert ay kadalasang itinataas kapag mababa sa inaasahang antas ang supply ng kuryente.
Gayunman, hindi naman umano ibig sabihin ay magkakaroon ng brownout sa mga apektadong lugar.
Samantala, ang red alert naman sa mga grid ay itinataas kung mayroong zero operating reserves. Ito ay nangangahulugan ng rotational brownout sa mga consumer.
196