(TEKSTO/PHOTO NI JESSE KABEL)
DAHIL sa nalalapit ang pagdaraos ng Jan 21, 2019 Plebiscite para sa sinusulong na Bangsamoro Organic Law ay todo bantay ang pinagsanib na puwersa ng Armed Forces of the Philippine at Philippine National Police laban sa mga hinihinalang peace spoiler .
Sa sinagawang send off ceremony para sa mahigit 20,000 joint AFP at PNP security force at multi faith prayer kahapon sa AFP 6th Infantry Division Headquarters sa Camp Siongco, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao ay inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na may mga hinihinalang spoiler sa gaganaping plebisiito ang kanilang binabantayan.
“Merong mga indication na parang may gusto pero hindi pa namin mai-confirm yan ano mga spoilers pero handa naman yung ating intelligence units saka yung police saka military saka mga civilians mismo ang nagrereport sa atin,” ani lorenzana.
Inihayag pa ng kalihim na kabilang sa mga lugar na binabantayan ng puwersa military ang Lamitan sa Basilan at ilang lugar sa Cotabato City. “ Most likely, ang scenario na mangyare diyan eh… magpasabog sila kung san san just to scare people, disrupt yan ang ating nakikita jan so yung mga probable people grupo na pwedeng gumawa nyan, “ pero ayon kay Lorenzana, mayroon ng mga nakabantay na tropa natin.
Kinumpirma ni Lorenzana na halos man to man na ang bantayan sa Ligguasan Marsh habang nalalapit ang plebesito.
Ang hanay ng Gabinteng nasa Mindanao ngayon ay pinangungunahan nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, National Security Adviser Hermogenes Esperon, Interior Secretary Eduardo Año Jr., Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr., Cabinet Secretary Karlo Nograles, Deputy Presidential Peace Adviser Nabil Tan, Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Benjamin Madrigal at PNP chief Director General Oscar Albayalde.
249