DIOKNO BUMIGAY; UMENTO IBIBIGAY 

pera

(NI BERNARD TAGUINOD)

BUMIGAY si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno sa panawagang irelease ang 4th and last tranche ng Salary Standardization Law (SSL) 4 isang araw matapos maghain ng “Mandamus” si House majority leader Rolando Andaya Jr., para pilitin itong ipatupad ang salary increase ng mga empleyado ng gobyerno.

Ito ang kinumpirma ni Andaya matapos makakuha ng kopya ng dalawang circular na inilabas ni Diokno na nagbibigay otorisason sa mga Local Government Units (LGUs) at Government Owned and Controlled Corporation (GOCCs) na ipatupad na ang 4th tranche ng SSL 4 sa kanilang mga empeylado.

Inilabas umano ni Diokno ang Local Budget Circular No. 118 at Corporate Budget Circular No. 23 noong Enero 15, 2019 o isang araw pagkatapos maghain ng petisyon si Andaya kasama ang mga empleyado ng Kamara sa Korte Suprema noong Enero 14, 2019.

“Palagi kong sinasabi kay Sec. Diokno: Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, maraming dahilan,” ani Andaya.

Magugunita na nakipagmatigasan si Diokno sa panawagan ng Kamara na ipatupad na ang huling tranche ng SSL 4 dahil hindi pa umano naipapasa ang 2019 national budget na nagkakahalaga ng P3.757 Trillion.

Dahil dito, naghain ng Writ of Mandamus si Andaya sa Korte Suprema para obligahin si Diokno na ipatupad ang 4th and last trache ng SSL 4 dahil mayroon umanong pondong aabot sa  P99.446 billion ang  Miscellaneous Personnel Benefits Fund at mayroon pang saving ang gobyerno noong 2018.

Gayunpaman, hindi kontento si Andaya na tanging sa mga empleyado ng mga LGUs at GOCCs ipinatupad ang salary increase dahil P42,705,911,000 lamang ang kailangan para ibigay sa mahigit 1 milyong empleyado ng gobyerno ang dagdag nilang sahod.

“Kung gusto ni Sec. Diokno, puwede pala niyang ipa-release ang salary increase under SSL IV. Nagawa na niya ito ngayon sa LGUs at GOCC. Bakit di niya magawa sa iba pang offices?,” tanong pa ni Andaya.

 

12

Related posts

Leave a Comment