MALAKING PLAKA SA MOTORSIKLO APRUB NA

motor12

(NI DAHLIA S. ANIN)

PIRMADO na ni Pangulong Duterte ang batas na nagtatakda ng mas malaki, madaling mabasa at color coded na plate number para sa mga motorsiklo.

Isa nang ganap na batas ang Republic Act 11235 o ang Motorcycle Crime Prevention Act. Ang batas na ito ay ginawa upang mabawasan ang mga krimen na ginagawang get-away vehicle ang mga motorsiklo sa pamamagitan ng paglalagay ng mas malalaking plaka para mas madaling makita at mabasa ang plate number nito at meron na ding color coding para madaling malaman kung saan nakarehistro ang motor na gamit nila.

Sa ilalim ng batas, itinatakda na kailangang mairehistro agad ito limang araw matapos itong mabili, dahil kung hindi ay maari silang makulong at may multa ng P25, 000.

Ang pagda-drive naman ng motor na walang plaka ay pagmumultahin ng hindi bababa sa P50,000- P100, 000 na may kasama ring kulong.

Maaring kumpiskahin ng mga enforcers ang motorsiklo at ire-release lang ito pag naipakita nila ang proof of ownership at bayaran ang multa dahil sa hindi pagsunod sa batas na ito.

Kapag napatunayan naman na ang isang motosiklo ay ginamit sa isang krimen at sa pagtakas ang may-ari, driver, at sakay nito ay mahaharap sa 12-40 years na pagkakabilanggo.

Magkakaroon ng impounding center para sa mga motorsiklong makukumpiska at magkakaroon dn ng digital data base ang PNP at LTO para rito.

Nagsanib pwersa din ang PNP at LTO Operation and Control Center  na magkakaroon ng hotline para matugunan ang mga hinaing ng mga mamamayan tungkol sa mga mootorsiklong ginamit sa krimen.

Ang mga may ari ng mga motorsiklo ay kailangan i-renew ang kanilang rehistro at mag apply ng bagong plate number bago mag Hunyo 30 ngayong taon. Ang LTO ay dapat na magawa at mai-release ang mga bagong plate number hanggang Disyembre 31, 2019, dahil ang bagong batas na ito ay epektibo simula sa susunod na taon.

 

 

236

Related posts

Leave a Comment