MARCOS JR. IWAS SA USAPING DROGA

TUMANGGING magbigay ng kanyang komento si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ukol sa naging pag-amin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na siya lamang ang may pananagutan sa libu-libong pagkamatay sa kanyang brutal na war on drugs.

Hiningan kasi ng reaksyon si Pangulong Marcos ukol sa naging rebelasyon ni Duterte sa isinagawang pagdinig sa Senado at sinabing inaako nito ang buong responsibilidad para sa mga aksyon ng pulisya sa panahon ng kanyang agresibong kampanya laban sa droga at iginiit na siya lamang ang dapat managot kaysa sa mga opisyal na sumunod sa kanyang mga utos.

“I’m not going… I don’t want to talk about..I need to talk about what’s happened here. At nakita naman ninyo kung gaano kalaki ang naging sira sa infrastructure,” ang mabilis na tugon ng Pangulo sa isang ambush interview matapos ang pamamahagi ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk, and Families (PAFFF) sa Laurel Batangas.

‘At ‘yun ang tinitingnan namin, ininspeksyon namin. Tapos ‘yung kabuhayan at… Marami talagang – ang laki ng nangya… Ang laki na talaga ng tubig.

Maraming nagsasabi, nababasa ko sa dyaryo, naririnig ko sa radyo, television: nasaan ang mga flood control? Nandyan ang mga flood control, na-overwhelm lang,” ang sundot na pahayag ni Pangulong Marcos.

Sa isinagawang pagdinig ng Senado, mistulang pasabog ang pag-amin ng dating pangulo na bumuo siya ng seven-man hit squad na kilalang Davao Death Squad (DDS) sa pamumuno ng dating PNP chiefs, kabilang si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.

Bagamat hindi naman direktang inamin ni Duterte na kanyang ipinag-utos ang summary killing.

Ipinunto naman ni Manila Representative Bienvenido Abante na hindi siya kontra sa war on drugs ng dating administrasyon subalit hindi siya pabor sa patayan.

Bukod pa sa maaaring maging daan ang pag-amin ng dating pangulo para sa lokal at internasyonal na pag-uusig. (CHRISTIAN DALE)

71

Related posts

Leave a Comment