Marcos, Romualdez panay sawsaw sa ayuda ANTI-EPAL LAW KAILANGAN NA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

MULING naging maugong ang pangangailangan na magkaroon ng Anti-Epal Law sa Pilipinas matapos banatan ni Davao City Mayor Baste Duterte si House Speaker Martin Romualdez sa paglalagay ng kanyang pangalan sa ipinamamahaging ayuda.

Maging si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ay nakiisa na rin sa panawagan na ipagbawal sa mga politiko ang pamamahagi ng ayuda ng pamahalaan lalo na kung ito ay pera.

“Pag actual distribution na ang cash assistance dapat umalis na ang politiko,” tugon ni Pimentel sa isang panayam.

Sunod-sunod ang pamamahagi ngayon ng mga ayuda tulad ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS at TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers).

Ngunit napansin ng taumbayan na sa lahat ng pamamahagi ng mga naturang ayuda na dapat ay pinamamahalaan lamang ng Department of Social Welfare and Development at Department of Labor and Employment (DOLE) ay laging may politikong kasama.

Kabilang sa mga madalas makitang kasama sa bigayan ng ayuda sina Romualdez, Sens. Imee Marcos, Bong Go, Lito Lapid, at iba pang mga politiko.

Matatandaang sa prayer rally sa Davao kamakailan, binanatan ni Baste si Romualdez at hinamon na tanggalin ang pangalan ng huli sa mga ipinamamahaging ayuda.

“Sa sunod na may sunog, sige hinahamon kita! Magbigay ka ng ayuda na walang pangalan at mukha mo! Sige?” aniya.

Maging sa social media ay pinag-uusapan ang mga politikong panay ang sawsaw sa ayuda.

Ang dating mambabatas na si Teddy Baguilat ay nagsabi rin na suportado niya ang panawagang tigilan ng mga politiko ang paggamit sa ayuda at ipagbawal din ang paglalagay ng pangalan ng mga ito.

Narito pa ang ilan sa mga komento sa X:

G:

Pass an Anti Epal law that will also prohibit this

Crispin:

Mabibilang sa 5 daliri ang hindi nakikitang opisyal sa pagmumudmod ng ayuda. Karamihan mga mukha nila ang makikita sa mga poster na parang nanggaling sa kanilang bulsa ang ayuda.

Percy:

Theoretically it is a good idea. But implementing it is ridiculously impossible considering that local politicians will find rapacious ways to dip their fingers into anything that involves money.

debtFOOL:

Si Imee Marcos…..

laging may pa video sa DSWD ayuda distributions locations

ExHaughty:

Make a law to bar politicians in aid distribution.

leny:

agreee .. minsan sinlaki ng eco bags na pinaglagyan ng grocery yung pagmumukha nila na akala mo sa kanila galing yung perang pinambili nun

benB:

Present o hindi…parehas lang. Bakit dati hindi pinapansin? It is a political exercise.

Angelie:

the mere fact that this has to be discussed says a lot about the delicadeza of those who are in power
sina jovito salonga umepal ba noon sa mga aid distributions? galawang trapo talaga

Carlos:

We should really ask politicians to start learning decency and gratitude and shun opportunism.

Learn from former leaders who stayed remembered by their respectable characters.

Brando:

Ganoon din ang pamimigay ng food items ni inday Sara gamit ang pera ng bayan.

139

Related posts

Leave a Comment