GINANG UMINOM NG LASON

UMINOM ng lason ang isang 48-anyos na ginang makaraang makipagtalo sa kanyang asawa dahil sa problema ng pananalapi, sa kanilang bahay sa Quiapo, Manila nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si alyas “Corazon”, residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang uminom umano ng lason ang biktima makaraang makipagtalo sa kanyang mister dahil sa problema sa pera.

Agad isinugod sa Ospital ng Sampaloc ang ginang ngunit hindi umabot nang buhay.

(RENE CRISOSTOMO)

80

Related posts

Leave a Comment