SENATOR RICE PINASALAMATAN SA PAGTINDIG LABAN KAY MARCOS

PINASALAMATAN ng isang militanteng mambabatas sa Kamara si Australian Senator Janet Rice sa pagtindig nito laban sa Human Rights Violations ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Magugunita na habang nagtatalumpati si Marcos sa Australian Parliament ay naglabas ng placard si Sen. Rice na may nakasulat na “Stop the Human Rights Abuses”.

Ayon kay Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, dapat pasalamatan si Rice dahil hanggang ngayon ay ayaw aminin ni Marcos ang kalupitan ng amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Now, under his very own administration, state forces conduct enforced disappearances, abductions, torture, forced surrenders, illegal arrests and surveillance of ordinary citizens who push for higher wages, accessible education, pro-people transport, environmental protection, etc,” ani Manuel.

Patuloy rin aniyang nilalabag ni Marcos Jr., ang international humanitarian law sa pagtrato sa mga nahuling rebelde habang natetengga ang peace talks na tanging paraan para makamit ang kapayapaan sa bansa.

Hindi rin umano masisisi si Rice na kalampagin nang harap-harapan si Marcos Jr. dahil sa patuloy na pamamayagpag ng National Task Force-End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na notoryus aniya sa red-tagging.

Si Marcos ang tumatayong chairman ng NTF-ELCAC ngunit dinededma umano nito ang rekomendasyon ng UN special rapporteur na buwagin ito.

(BERNARD TAGUINOD)

124

Related posts

Leave a Comment