(NI CHRISTIAN DALE)
SUNTOK sa buwan kung magdeklara ng martial law si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para solusyunan ang problema sa iligal na droga.
Bagama’t uubra, ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang pagdeklara ng Pangulo ng batas militar laban sa ilegal na droga para masiguro ang seguridad ng publiko ay hindi niya ito gagawin.
” I don’t think so, because he doesn’t have to. We are containing it, given the figures – official figures,” ayon kay Sec. Panelo.
Aniya, epektibo pa rin ang kampanya kontra iligal na droga kahit may mga ilan parin nito na nakakapasok sa bansa dahil sa laki ng pera at geography ng Pilipinas.
Magdedeklara lamang aniya ng martial law kapag may umusbong na rebelyon at nalalagay na sa masamang situwasyon ang seguridad ng publiko.
“Of course: if there is rebellion, and there is eminence, and the public safety requires – then the President can do that. But according to him, he will not, he will not because he has still many measures that he can do to quell the present threat on the drug industry,” aniya pa rin.
Bahagi ng utos ng Punong Ehekutibo sa mga awtoridad na maging mas aktibo sa intelligence gathering para mas marami pa ang mahuli at mapanagot.
Matatandaang, inihayag ng Pangulo na mas magiging madugo pa ang kampanya sa droga sa mga susunod na araw.