(NI DAHLIA ANIN)
BUONG bansa na ang apektado ng meales outbreak. Sa ngayon, tatlong siyudad na lamang sa buong Pilipinas ang wala pang naitatalang kaso ng tigdas sa kanilang lugar at pinakamarami ang naitala sa Region 4 at NCR.
Sa record ng DoH mahigit 13,000 na ang kaso ng tigdas sa buong bansa at mahigit 200 naman ang namatay na dahil dito.
Ayon sa panayam kay Health Secretary Francisco Duque, apat na beses ang itinaas nito kumpara sa kaso ng tigdas noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.
Paulit-ulit na nanawagan ang DoH dalhin ng mga magulang ang kanilang mga anak na may edad na 6 buwan pataas sa pinakamalapit na health center sa kanilang lugar upang mabakunahan ng measles vaccine. Aniya, nasubok at napatunayan na ang bakunang ito ay mabisa at epektibo at binibigay ito nang libre.
Tumulong na rin ang Department of Education dahil sa kanilang “no vaccination, no enrollment policy”upang mapilitan ang mga magulang na ayaw magpabakuna sa kanilang mga anak.
Ang mga tauhan din ng DoH ay nakipagugnayan na rin sa mga barangay health center na kung maari ay magsagawa pa rin ng bakuna kahit weekends dahil isa sa dinadahulan ng ibang magulang ay ayaw nilang lumiban sa kanilang mga trabaho kaya hindi mapabakunahan ang kanilang mga anak.
Ilang opisyal na din ng gobyerno ang nsnawagan na paturukan ang kanilang mga anak tulad ng Pangulo at ni Senator Manny Pacquiao. Hinihikayat nila ang lahat ng magulang na magpaturok dahil ang bakuna sa measles ay makakatulong na at mabisa na panggamot.
368