BoC HIRAP SUGPUIN ANG OIL SMUGGLING SA BANSA

boc

(NI BETH JULIAN)

HINDI makasagot ang Bureau of Customs (BoC) sa isyu kung may pagkukulang sila kung bakit naipupuslit papasok sa bansa ang mga langis o produktong petrolyo.

Sa idinaos na economic briefing sa Malacanang, nang tanungin tungkol sa isyu, tanging naisagot ni Customs Deputy Commissioner Teddy Raval, BoC Enforecement Group, na marami umanong uri ng smuggling ng langis kaya kadalasan ay nangyayari ang pagpupuslit sa gitna ng karagatan.

Sinabing ang malalaking barko na may karga ng langis ay dinidikitan ng mas maliliit na barko para rito ilipat ang produkto at saka ipupuslit papasok ng bansa para mas maliit ang volume.

Sa kabila nito, sinabi ni Raval na may nahuhuli naman silang smugglers kung patunay rito ay ang isang barko sa Manila Bay papasok ng Pasig River noong 2018 kung saan dalawang sea vessels ang nasabat ng mga awtoridad na may dalang produktong langis nang walang kaukulang rekord na nakapagbayad ng buwis.

Dahil dito, kinumpiska ang mga puslit na kontrabando.

Aminado si Raval na kamakailan lamang sila nagkaroon ng memorandum of Agreement sa pagitan ng Philippine Coast Guard at Armed Forces of the Philippines para mapaigting ang pagbabantay sa karagatan at mahabol ang mga smuggler.

 

110

Related posts

Leave a Comment