MICHAEL YANG NEXT TARGET NG KAMARA

PUPUNTIRYAHIN na ng Quad Committee ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang economic adviser ni dating pangulong Rodrigo Duterte na si Michael Yang, itinuturong pinakamalaking drug lord sa bansa.

Ito ang napag-alaman sa dalawa sa apat na chair ng Quad Comm na sina Rep. Dan Fernandez at Bienvenido Abante Jr., kaugnay ng kaso ni Yang na hindi nabanggit sa Senate Blue Ribbon committee hearing sa war on drugs.

Ayon kay Fernandez, ang pangunahing agenda ng Quad Comm hearing sa November 6 ay hinggil sa kalakaran ng ilegal na droga sa bansa kung saan isa sa mga resource person aniya ay si dating Bureau of Customs officer Jimmy Guban.

“By Wednesday expect na pag-uusapan po natin sina Chief Guban, yung mga drugs and everything, so magkita-kita po tayo don,” ani Fernandez.

Unang pinangalanan nina Guban at dating Police Col. Eduardo Acierto si Yang bilang pinakamalaking drug lord sa bansa partikular na sa Davao City, subalit hindi ito ginalaw ng nakaraang administrasyon at sa halip ay itinalaga ito ng dating pangulo bilang kanyang economic adviser.

Maglalabas umano ang komite ng matrix para malaman kung gaano kalaking drug lord si Michael Yang sa bansa subalit ipinagkibit-balikat lamang ito ng nakaraang administrasyon. (BERNARD TAGUINOD)

8

Related posts

Leave a Comment