(NI NOEL ABUEL)
PINAAAMYENDAHAN ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan ang Local Government Code (LGC) of 1991 na naglalayong dagdagan pa tinatanggap na national tax.
Ayon kay Pangilinan, malaking bagay ang ibinibigay na tulong ng mga local government units bilang frontline providers sa pagbibigay ng tulong sa nasasakupan kung kaya’t mula sa 40 porsiyento ay dapat na maging 50 porsiyento ng national taxes sa halip na national internal revenue taxes.“Pinakaunang takbuhan ng ating mamamayan ang mga LGUs. Kailangang sapat ang kita para matugunan ang pangangailangan ng ating mamamayan,” aniya.
“The bill will harmonize the Constitution (which provides that LGUs have a just share in ‘national taxes’) and the LGC (which provides that LGUs get a share of the limiting ‘national internal revenue taxes’). It will also increase the LGUs’ internal revenue allotment (IRA) from the national government,” dagdag pa ni Pangilinan.
Naaayon umano ang nasabing panukala sa itinatakda ng Supreme Court April na ang IRA allotment sa mga LGUs ay dapat na masama ang koleksyon ng iba pang ahensya ng pamahalaan at hindi lang sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
“Gusto nating ilapit ang pamahalaan sa mamamayan, at mangyayari ito kung mas maraming pondo ang mga LGUs. Itong mga klaseng reporma ang maglalapit sa mga pinuno at pinamumunuan na kapwa namang gusto ng asenso sa sariling bayan,” paliwanag pa ng senador.
176