NEW ZEALAND TARGET SA HANJIN WORKERS

workers

(NI CESAR BARQUILLA)

MAAARING tulungan ng Department of Labor and Employment ang mga trabahador ng Hanjin shipyard na nawalan ng trabaho sa paghahanap ng trabaho sa New Zealand kung saan mataas ang demand para sa Filipino construction labor worker.

Ayon kay ACTS-OFW Party List Rep. Aniceto Bertiz III, dala na rin ito sa nagaganap na building at housing boom sa naturang bansa kung saan posibleng magpa-deploy ng mga trabahador na galling sa Hanjn.

Sinabi ng mambabatas na ang isang Filipino construction workers sa New Zealand ay binabayaran ng sampung besesna mas malaki kumpara sa P537 daily minimum wage sa Metro Manila.

Nagawang makapagpadala ng mga Filipino workers sa New Zealand ng nasa $218.6 million  (P11.4 billion) cash sa unang 11 buwan ng 2018, tumaas ng 81.5% mula sa  $120.4 million (P6.3 billion) sa kahalintulad na buwan noong 2017, dala na rin sa mataas na bilang ng pagkuha nila ng construction labor .

Marami sa mga Filipino welders na nawalan ng trabaho sa pagbagsak ng Hanjin Heavy Industries and Construction Philippines Inc. ay apektado ng pansamantalang ban ng US sa pagpapalabas ng bagong new H-2A at H-2B visas kaya karamihan sa kanila ay naiwan sa ere.

Isinisi naman ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin sa Philippine labor attaché sa Washington ang ginawang ban.

Nagreklamo ang labor attaché ng Pinas sa US Department of Homeland Security (DHS) ukol sa substandard working at living conditions ng mga Filipino students na nagsasagawa ng on-the-job training (OJT) work sa mga hotels sa Amerika.

Dahil dito, inihayag ng DHS ang panganib ng human trafficking at idineklarang dapat itigil na ang pagpapalabas ng bagong H-2A at H-2B visas sa mga Pilipino mula Jan. 19, 2019 hanggang Jan. 18, 2020.

Sinabi pa ng DHS na halos nasa 40% ng H-2B visa holders mula sa Pilipinas ang na-overstay doon.

Ang H-2B visa program ay ibinibigay para magawa ng mga American employers na madala sa US ang mga trabahador para sa mga non-farm jobs tulad ng restaurants at bars, hotels at motels, resorts at theme parks, cruise ships, construction, maintenance, janitorial services, ski resorts, landscaping, golf courses, warehouses at retail stores.

Habang ang H-2A visas ay temporary entry permits na ibinibigay sa mga dayuhan para sa seasonal, o temporary, farm jobs.

Nasa 10,800 Pinoy ang nawalan ng trabaho sa Hanjin matapos magdeklara ng bankruptcy nitong Enero 8 at ipinasara ang shipyard sa Subic Bay, Zambales.

 

222

Related posts

Leave a Comment