‘RELIGIOUS GROUP’ SCAM IPINABUBUWAG SA NBI

pyramid

(NI BERNARD TAGUINOD)

UMAPELA ang isang mambabatas sa National Bureau of Investigation (NBI) na aksyunan ang umano’y bagong sistema ng pyramiding scheme sa Mindanao na nagpapakilala umanong religious group.

Sa isang statement, inakusahan ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) party-list Jericho Nograles ang KAPA Community Ministry International Inc., na sangkot sa large-scale investment sa General Santos City, Davao City, Bislig at halos lahat ng lugar sa Central at Southern Mindanao.

Bumalik sa alaala ni Nogranes ang Aman Futures Group na bumiktima ng 12,000 katao sa Mindanao kung saan umaabot sa P12 Billion ang naitakbo ng mastermind ng grupo na si Emmanuel Amalilio at mga kasabuwat nito, sa operasyon ng KAPA.

Subalit hindi tulad aniya ng Aman Future group na namayagpag noong 2012 na nangangakot ng malaking tubo mga ivnestors,  ang KAPA na nagpapakilalang religious group, idinadaan ang kanilang operasyon sa pamamagitan ng  “donasyon’.

“This is another multi-billion investment scam with the breadth and scale of Aman Future’s operation. It’s just sad that many people still fall for this kind of scheme. In Davao City alone, I have already received hundreds of complaints from people who lost tens of thousands in life savings because of KAPA. This must be stopped immediately,” ani Nograles.

Naglalaro umano sa P5,000 hanggang P1 Million ang hinihinging donasyo ng bawat miyembro ng grupo at magkakaroon umano ang mga ito ng 30% na interest kada buwan na kanilang tinatawag na “monthly love gifts”.

“This ponzi scheme is very different. Instead of asking for investments, KAPA is asking for donation, which entitles members so-called monthly love gifts amounting to 30% in interest earnings. I think that they use this strategy to get around with our law on these types of investment fraud,” ayon sa mambabatas.

Sinabi ng mambabatas na registrado Securities and Exchange  Commission sa ilalim ng “Company Registration No. CN2017707724” at base aniya sa kanilang facebook account noong Pebrero 2, 2019, sila ay “legitimate non-denominational ministry, a religious corporation organized under Philippine laws”

Winarningan na rin umano ang SEC sa nasabing grupo na pinamumunuan umano ng isang Joel A. Apolinario na siya ring founder ng KAPA sa kanilang operasyon subalit aktibo pa rin umano ang mga ito sa magrerecruit ng miyembro at investors.

 

162

Related posts

Leave a Comment