(NI ROMMEL GONZALES)
“Kuya Wes ‘yan, mahal ko ‘tong Kuya Wes,” ang bulalas ni Binibining Joyce Bernal sa pelikulang pinagbibidahan ni Ogie Alcasid na produced ng Spring Films nina Joyce at Piolo Pascual.
Bakit mahal ni Joyce ang Kuya Wes movie?
“Gusto ko ‘yung sinasabi niya e, ‘yung emotions na naipadama niya sa akin nung napanood ko siya na wala pang music e, so ‘yun gusto ko. “Maganda, maganda ‘yung gustong sabihin ng pelikula.”
Unang napanood sa Cinemalaya last year, may commercial run ang Kuya Wes sa March 13.
Tinanong namin si Joyce kung kumusta co-prod ang isang Piolo Pascual?
“Pag si Piolo kasi sa creative siya ‘yung medyo malupit, ako kasi puwede ko pang sabihin na gawan ng paraan e, pero siya ‘yung pag ayaw niya, pag hindi maganda, hindi talaga.”
So istrikto si Piolo?
“Parang ganun e, yeah. Parang, ‘Bahala ka kung gusto mong gawin ‘yan.’
“Pero pag sinabi niyang pangit, pangit.”
Totoo bang ayaw na ni Piolo na mag-artista, na happy na ito na magng producer?
“Hindi naman! Ayaw niya ng gumawa ng paulit-ulit na role, oo.”
Kailan ba mapapanood ang Judy Ann Santos-Piolo reunion movie na inaabangan ng marami; at si Joyce ba ang direktor?
“Kung gusto nila ako.”
Matagal na nilang pinaplano ito pero hindi matuluy-tuloy; baka mabantilawan o lipasan na ng panahon ang proyekto?
“Oo nga e, pero huwag tayong ano, huwag tayong mawalan ng pag-asa.”
May chance na baka sa Spring Films ito mangyari?
“Meron, kung gusto ni Piolo, gusto ko, e di meron ng dalawa.”
Gusto ba ni Judy Ann?
“Malay natin!”
“Hindi natin alam e, kasi siyempre kailangang gustuhin niya e, hindi puwedeng, ‘Uy may pelikula, oo nga, kikita kami dito’, hindi puwede, pag nag-reunion dapat gusto naming tatlo.”
Wala kang nilalapit na script sa kanya?
“Ay meron, meron, oo meron, meron kaming mga inilapit sa kanya.”
Ano feedback ni Piolo?
“Before kasi ‘yung mga inilapit namin sa kanya… pero puwede na naming baguhin ngayon, ‘yung mga inilapit namin sa kanya, merong time schedule, so pag hindi kami nagtagpo, hindi na talaga puwede.
“So ngayon, siguro ang ilalapit namin sa kanya kapag sinabi niyang oo, whenever.”
Kay Judy Ann ba ay may inilapit na silang project?
“Na hindi kasama si Piolo.”
Ano ang sagot ng aktres?
“Sinabi ko pa lang bilang magkasama ‘yung kuwento, pero ‘yung tungkol sa mga nanay, ganun.”
Mukha naman raw interesado si Judy Ann sa project.
~~~~~~~~~~~
Sa ngayon ay si Boy Abunda pa rin ang manager ng actor/singer na si Arnold Reyes; hindi totoong umalis siya kay Boy.
“Hindi, hindi, ang hirap naman iwan ni Boy, kasi…”
Bakit loyal si Arnold kay Boy?
“Kasi si Boy more on consultancy, parang ganun lang e, siguro dahil kasi kahit papaano may na-establish ako na konting pangalan sa industry, ‘yung trabaho parang lumalapit na, so parang nandiyan sila para alalayan ako, schedule.”
Samantala, proud si Arnold sa kanyang bagong obra; ang kantang Sana May Forever na included sa album na Sana May Forever: The Love Album. Si Arnold ang sumulat at kumanta nito.
Ang head ng LST Music & Production na si Lorna Tobias ang producer ng album.
Bukod kay Arnold, ang ilan sa mga artists sa album ay sina Raynald Simon, Laarni Lozada at Lharby Policarpio.
230